Malik-matang panaginip sa gabing madilim
Halinghing na tila ika’y
kakatayin
Bulong na sigaw sa idlip na
pahamak
Ipinugal na kamay hindi makagalaw
Babad na katawan sa hangin at
pawis
Pudpod na isipan sa tulalang
pagkagising
Naihasik na diwa sa
kasamaang-palad na nangyari
Salaysay na hindi yata
maintindihan
Matang matamlay takot nang ipikit
Buog gabi’y patuloy na nilamay
Walang bisang gamot hindi kayang
magpatulog
Mahimlay lang ng sandali, maglaho
naman
Laksa-laksang damdamin matindi sa
dibdib
Narbiyos na siyang nagtulak
umuntag
Maulol sa pagkayamot at sobrang
takaw
Sana’y makita pa ang sinag ng
araw