Bayang liwaliw
Malas mag-alinlangan
Talab ng tuso
Mahirap aming buhay
Lupang hiniram
Dayuhan ang nakinabang
Sa manlulupig
Panay tanggap api
Ang dagat at bundok
Dungisan niyo, sige, at kalbuhin
May libog ang tula
At awit na puro kabastusan
Ang kislap ng watawat
Mo'y baligtad at luma na rin
Ang utang mo'y umapaw na
Ngayo'y di pa nasisingil
Lupang inagaw
Ang kalahati'y nabenta
Buhay iskwater ang dinanas ko
Aming ligaya pag may abuloy na kape
Siyang pinatay ng isang politiko.