Palamuti sa silid-tulogan ng mga palikero
Nakapaligid na mga paknit na mga larawan
Ang tinagkang tanggalin na mga drowing
Ng kung anong mga salaysay
Mesa'y binalot nga iba't-ibang balarila
Ng mga damuhong olrayt umingles
Sahig na parang damuhan
Nagkalat na wayrs, damit na di pa nalalabhan
Masking tape, sisidlan na 80 proof at mga upos na yosi
Ano pa kaya ang mas maamoy
Sa medyas na basa sa ulan?
O sa medyas na bahid nga sardinas? Aywan!
Pinagtanggol ang karumihan
Ito raw ay sining ng kabuyahan
Laboratoryo, garahe, studyo, gymnasium
Kayang ipunin lahat
Banabayanan ng kapitbahay sa gabing madilim
Kublihan lang at nang huwag mahuli
Nakatirang mga bayani mga lasenggo
Munting tikatik balde'y ilabas
Nang mahagip ang tulo ng kisame
Flourescent na ilaw naging disco light
Ihip ng hangin asan na kaya?
Napalitan na kasi ng haluloy ng loudspeakers
Parang helicopter na lumilipad
Batas ng pinuno ay sundin
Curfew hour alas 2:00 ng umaga
Walang nakawan ng meal ticket
Ang mahuli sa excess lilipat
O kaya'y sa 223, palikuran
Magtiyaga sa folding bed
Suring aklat kapag Martes
Ladies Night kapag Miyerkules
Rock concerts kapag huwebes
Socials sa Fridays; Saturday madness
Sa park kung Sundays
Susugan mo ang tulog mo kung Lunes.
Whew!