PASANG-AWAY

Salamat Lord, gagradweyt na po ako
Sumasampong taon ng hirap at paghihingalo
Utak ay nabudbod sa garil na pagtuturo ni maam
Bahala ka na sa kaklase kong maiiwan
Ibisan ko man wala na siyang makopyahan
Di bale na marunong naman yong magkodego.

Salamat Lord, gagradweyt na po ako
Nang maiwan ko na si Aling Betchay
Ang sungit kong landlady na mahilig maningil
Sa dalaw ng upa, buwan at semana santa
Buti't niligawan si Inday, panganay niya
Balita kahapon huminto daw ang regla.

Salamat Lord, gagradweyt na po ako
Nang makahanap naman ng desenteng trabaho
Di tulad ng sigyang pinakita ko sa Jollibee
Sinuklian ang sipag ng sipa't pimpin
Kahinaang uri at kilos buti't di nagpabaya
Nahuli kasing nangupit ng chicken joy.

Salamat Lord, gagradweyt na po ako
At mahinto na ang pangungutya ni Inay
Balak ko ba raw bilhin ang paaralan
Inaakalang sinabay ko na pati masteral
Apat na kurso nalibang sa paglipat
Kaparehong dasal sa pista, disco at inuman.

Salamat Lord, gagradweyt na po ako
Maliligawan ko na rin si Kristing mayaman
Pangakong iisnabin sa oras na mamanhikan
Pusong kay tigas, mataray, sasampalin ko kaya
Sa mukha niya nitong diploma kong dala
Matauhan sa galamgam at pagkawalang-galang.

Salamat Lord, gagradweyt na po ako
Sawimpalad kong kahapon aking maituwid
Ng minsang mapagkamalang terorista't adik
Nablotter sa pulis dinumihan ang pangalan
Malay ko ba kung kamukha ko si Osama
Kasingpayat ng posporo at puno ng balahibo.

Salamat Lord, gagradweyt na po ako
Mahiram ko na sa wakas ang toga ni kuya
Na minsan na ring naisuot ng aking tatay
Dalangin ng magulang tila nakamit na
Pangigigil na makatawid sa masaganang buhay
At makatikim na rin ng litson mga kapitbahay.